Sanaysay''Filipino: Wika ng Saliksik''
Tema:
Filipino: Wika ng Saliksik
Kaalaman Ay Pagyamanin, Pananaliksik ay Pairalin
ni Jajaee
Tuwing
Buwan ng Agosto ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa. Ito ay paalala na
dapat patuloy na pagyamanin, tangkilikin at mahalin ang wikang kinagisnan.
Wikang ating minana galing sa ating mga ninuno. Tiyak na ang wika ay mabisang
kasangkapan upang maiparating ang mga ideya, opinyon at saloobin ng isang tao.
Ngunit ano nga ba ang papel ng Wikang Filipino sa larangan ng Pananaliksik? Ito
ba ng siyang daan tungo sa pagkakaisa, pagkakaunawaan at kaunlaran ng ating
bansa?
Pananaliksik
ang sagot sa mga katanungan. Ito ay isa sa pinakamabisang paraan upang lubusang
makilala ang wikang kinsagisnan mula pagkabata hanggang sa pagtanda. Sa panahon
ng modernisasyon, maraming teknolohiya ang umusbong. Marami na rin ang mga
paraan sa pagtuklas ng kaalaman lalo na sa agham at matematika. Kaya sa
larangan ng Pananaliksik, Wikang Filipino ay dapat gamitin bilang midyum hindi
lamang sa paglikha ng kaalaman at karunungan kundi pati na rin sa
pagpapalaganap ng kaunlaran ng ating bansa.
Wikang
Filipino ay isang instrumento sa pagpapalawak ng kaalaman at karunungan upang
maging isang bansang progresibo. Dapat patuloy itong pagyamanin sa lahat ng
sulok ng bansa. Ugaliing tangkilikin kung saan at gaano man kalayo ang ating narating.
Higit sa lahat, dapat itong mahalin dahil ayon sa kasabihan ni Dr. Jose Rizal,
‘’ Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at
malansang isda’’. Bunga nito makamit natin ang iisang mithiin, ang mithiing
magkaroon ng kaunlaran sa ating bansa gamit ang sariling wika. Kaya mga kapwa
Pilipino, sabay- sabay nating palaganapin ang Wikang Filipino bilang Wika ng
Saliksik.
Comments
Post a Comment