Sanaysay''Filipino: Wika ng Saliksik''
Tema: Filipino: Wika ng Saliksik Kaalaman Ay Pagyamanin, Pananaliksik ay Pairalin ni Jajaee Tuwing Buwan ng Agosto ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa. Ito ay paalala na dapat patuloy na pagyamanin, tangkilikin at mahalin ang wikang kinagisnan. Wikang ating minana galing sa ating mga ninuno. Tiyak na ang wika ay mabisang kasangkapan upang maiparating ang mga ideya, opinyon at saloobin ng isang tao. Ngunit ano nga ba ang papel ng Wikang Filipino sa larangan ng Pananaliksik? Ito ba ng siyang daan tungo sa pagkakaisa, pagkakaunawaan at kaunlaran ng ating bansa? Pananaliksik ang sagot sa mga katanungan. Ito ay isa sa pinakamabisang paraan upang lubusang makilala ang wikang kinsagisnan mula pagkabata hanggang sa pagtanda. Sa panahon ng modernisasyon, maraming teknolohiya ang umusbong. Marami na rin ang mga paraan sa pagtuklas ng kaalaman lalo na sa agham at matematika. Kaya sa larangan ng Pananaliksik, Wikang Filipino ay dapat gamitin bilang midyum hindi lam...